Thursday, April 2, 2009

Wala Kang Pera? Mag E-book Ka!

Hay. Hindi ko alam kung baki bigla bigla na lang ako nahilig magbasa ng libro. Hindi ko alam kung paano nagsimula yun. Hindi ko naman masasabing dahil kay Bob Ong, kasi ibang genre naman ang gusto ko. Basta kapag nakakakita ako ng mga libro, natutuwa ako. (Hindi ako interesado sa mga librong gaya ng Science o mga encyclopedia).Gusto ko yung mga exciting...mga pambata!

Natapos ko nang basahin ang wizard of Oz. Nakakatuwa at nakakatawa dahil nakita ko ang sarili ko na natutuwa na lang sa pagbabasa nun. Wala akong libro, puro e-book lang na binabasa ko sa mahiwagang China Phone ko. (Ewan ko kung bakit may ebook reader sa mga china phones tapos sa original e wala.) Nalaman kong magkaiba pala ang ending nang Wizard of Oz sa libro at sa pelikula. Sa movie, lahat nang nangyari kay Dorothy sa Land of Oz ay panaginip niya lang, sa libro naman, totoong nangyari silang lahat. Pati nga sa Twilight. Sa libro, sa sasakyan lang sinabi ni Edward kay Bella na bampira siya. Habang sa gubat naman niya 'un sinabi sa pelikula. Sa Inkheart naman, umpisa pa lang ng movie ang napapanood ko at kalahati pa lang ng libro ang nababasa ko sa mga oras na 'to. Magkaiba din ang ibang mga pangyayari. Sa libro kasama nila Mo at Meggie sa nahay ni Elinor si Dustfinger, tapos sa pelikula naman ay hindi. Doon din sa The Secret Garden ni Frances Hodgson Burnett. Nakuha ni Mary ang susi sa garden doon sa labas ng secret garden, samantalang sa pelikula ay sa isang maliit na lalagyanan sa kwarto ng Manor niya ito nakuha. Anlabo di ba? Sa mga libro ko nalalaman ang mga tunay na pangyayari sa mga kwentong gustong-gusto ko.

Pangarap kong magshopping ng mga libro. Gawain ko yung pumunta sa mga bookstores tapos isusulat ko o ilalagay ko sa cellphone ko yung mga pangalan ng libro at author ng mga magugustuhan kong libro tapos hahanapin ko kung meron ba itong e-book sa internet. (Hehe) Madali kong magustuhan ang mga librong may magagandang covers, at magagandang title. Nakakarami na din ako at may 31 akong ebook ngayon sa cellphone ko. Mula sa Harry Potter, Chronicles of Narnia, Twilight Saga, Septimus Heap, Inkhaert Trilogy hanggang sa mga story books, karamihan e meron ako nyan. Kaya nga tuwang-tuwa ako. (Hehe) Sana nga lang magkaroon ako ng maraming maraming pera para hindi na ko magtityaga sa mga e-book.

Masaya lang talaga magbasa ng libro. Hindi mo kasi alam kung saan ka nila pwedeng dalhin.

Tinatapos ko munang basahin ang Inkheart. Pero hindi ko pa tapos ang assignment ko sa Logic. Hehe

0 Comments: