Thursday, October 28, 2010

ssss

Namimiss ko na yung dati. Yun lang.

Wednesday, March 31, 2010

hhhmm..

friendship expires? ewan. hehehe.

Tuesday, January 19, 2010

Matagal-tagal Na.

antagal ko na palang hindi pinapansin tong isang blog ko. Sori naman. Hehe.

andami nang nagbago, sa sobrang dami, hindi na ako pumikit. Napuwing tuloy ako. Law of diminishing Marginal Utility? ewan ko lang. Hay,

Okay. Ikukwento ko na lang sa Xanga ang lahat. hehehehe. Review time. sana madali lang ang stat bukas. =)

Sunday, April 5, 2009

Ayun.. Hay.

Nakakatuwa. May bagong katropa na naman ang PedXing. Nakakainspire tuloy mag-blog.

Hindi ko pa natatapos ang Inkheart. Nadami kasi kong naiisip kagabi. Magsasaing pa pala ko ngayon. Wala ang mga tao dito. Asan? ewan.

Nahiya siguiro yun. Pero ewan. Ganyan talaga ang buhay. Putek. Wala na kong masabi kahit madami talaga kong gusto sabihin.

gue..

Saturday, April 4, 2009

Yes!

Hay salamat. Walang pasok sa loob ng isang linggo. Makakapahinga din ako. Magbabasa ng maraming ebook (siguro matatapos ko na ang inkheart). Marami kaya akong magagawa?

Mag aaral pa pala ko sa Logic at sa history. Pero tinatamad ako eh. Aatend pa ko ng birthday ng bestfriend ko sa Monday. Nakakatuwa kasi magkikita kita na namin kami ng mga classmates ko nung high school. Miss na miss ko na yung mga yun. Pero ewan. May kanya-kayang buhay na din kasi kami eh. Meron sana kong gustong makita. hhhmm. Wala yun. Sana magustuhan ni bhez yung regalo ko. hehehe

Ayun lang. Nice blog? Haha.

Diary ko to.

Friday, April 3, 2009

Happy Vacation.. Sa Inyo! :'(

Buti pa 'yung iba. Bakasyon na. Ako? Eto. Tamad na tamad gumawa ng assignment sa logic. Asar.

Wala lang, gusto ko lang talaga gumawa ng wala. (Ano ko? Si Ulang?) Nakakatamad kasi pumasok kapag pakiramdam mo lahat ng estudyanteng katulad mo e nasa beach, patext-text lang o kaya nakatambay na lang kung saan saan. Nakakainggit din minsa yung mga GM ng iba sa text kapag sinasabi nilang, "Txt2 nmn! Wlang mgawa eh!". Sana masabi ko din yan sa text.

Happy vacation na lang talaga. Tsk tsk. :'(

Thursday, April 2, 2009

Wala Kang Pera? Mag E-book Ka!

Hay. Hindi ko alam kung baki bigla bigla na lang ako nahilig magbasa ng libro. Hindi ko alam kung paano nagsimula yun. Hindi ko naman masasabing dahil kay Bob Ong, kasi ibang genre naman ang gusto ko. Basta kapag nakakakita ako ng mga libro, natutuwa ako. (Hindi ako interesado sa mga librong gaya ng Science o mga encyclopedia).Gusto ko yung mga exciting...mga pambata!

Natapos ko nang basahin ang wizard of Oz. Nakakatuwa at nakakatawa dahil nakita ko ang sarili ko na natutuwa na lang sa pagbabasa nun. Wala akong libro, puro e-book lang na binabasa ko sa mahiwagang China Phone ko. (Ewan ko kung bakit may ebook reader sa mga china phones tapos sa original e wala.) Nalaman kong magkaiba pala ang ending nang Wizard of Oz sa libro at sa pelikula. Sa movie, lahat nang nangyari kay Dorothy sa Land of Oz ay panaginip niya lang, sa libro naman, totoong nangyari silang lahat. Pati nga sa Twilight. Sa libro, sa sasakyan lang sinabi ni Edward kay Bella na bampira siya. Habang sa gubat naman niya 'un sinabi sa pelikula. Sa Inkheart naman, umpisa pa lang ng movie ang napapanood ko at kalahati pa lang ng libro ang nababasa ko sa mga oras na 'to. Magkaiba din ang ibang mga pangyayari. Sa libro kasama nila Mo at Meggie sa nahay ni Elinor si Dustfinger, tapos sa pelikula naman ay hindi. Doon din sa The Secret Garden ni Frances Hodgson Burnett. Nakuha ni Mary ang susi sa garden doon sa labas ng secret garden, samantalang sa pelikula ay sa isang maliit na lalagyanan sa kwarto ng Manor niya ito nakuha. Anlabo di ba? Sa mga libro ko nalalaman ang mga tunay na pangyayari sa mga kwentong gustong-gusto ko.

Pangarap kong magshopping ng mga libro. Gawain ko yung pumunta sa mga bookstores tapos isusulat ko o ilalagay ko sa cellphone ko yung mga pangalan ng libro at author ng mga magugustuhan kong libro tapos hahanapin ko kung meron ba itong e-book sa internet. (Hehe) Madali kong magustuhan ang mga librong may magagandang covers, at magagandang title. Nakakarami na din ako at may 31 akong ebook ngayon sa cellphone ko. Mula sa Harry Potter, Chronicles of Narnia, Twilight Saga, Septimus Heap, Inkhaert Trilogy hanggang sa mga story books, karamihan e meron ako nyan. Kaya nga tuwang-tuwa ako. (Hehe) Sana nga lang magkaroon ako ng maraming maraming pera para hindi na ko magtityaga sa mga e-book.

Masaya lang talaga magbasa ng libro. Hindi mo kasi alam kung saan ka nila pwedeng dalhin.

Tinatapos ko munang basahin ang Inkheart. Pero hindi ko pa tapos ang assignment ko sa Logic. Hehe